Monday, April 11, 2011

blockout.Alak pa!

Blockout.


Ilang beses na akong nabloblockout
sa inuman. Yun tipong lasing na lasing tas
kinabukasan walang maalala.

Paksyet.

Wala sa mood? Puyat? Yun ang mga
kadalasang dahilan. O kaya matagal
na kasing walang inom tas biglang... BOOM!

Last time, napagdesisyunan naming uminom
with beruth and rolet. Ang kulet. Ansaya. Ang ingay.
Naramdaman ko namang TIPSY na ako e.

Take note..TIPSY..



pero ang nakakapagtaka, hindi man lang ako dumaan sa natural na stages
ng pagkalango sa alak.

1.mapapansing nag iingay na sya kung
kanina eh tahimik at kyeme pa.hahha
 First sign na medyo nalalasing na.
May iba na kwento ng kwento, nag eenglish,
umiiyak, nag eemo. etc

2.Pabalik balik sa CR. Hindi mo alam kung umiihi,
sumusuka at kung ano pa man ang
ginagawa sa cr. Pwede din namang naghihilamos
para mahimasmasan.lol

3.Matapos mag ingay, tatahimik na yan.
At ooppsss! magpapass na yan! haha
pero dahil kadalasan sa mga inuman ay
binubuo ng pilitan, tuloy pa din ang inuman!
harhar

4.PAK! yun na!
-----------------------------------------------------------------

nakakahiya talaga ang video na yun.
ang mga lasing hindi alam ang sinasabi nila,
kaya..
WALANG SERYOSOHAN.haha
(at OO! defensive ako)
ps:
please lang wag nang ipakita ang nasabing
video.labyu frends!
------------------------------------------------------------------------------



PANATANG MAKA-RED HORSE :

Iniibig ko ang RED HORSE.

Ito ang inumin ng aking buhay.

Ito ang nagwawala ng aking lumbay.

Ako’y kanyang nilalasing ngunit tinutulungan upang maging malakas, maangas at mataas ang karakas.

Bilang ganti ay diringgin ko lagi ang anyaya para sa inuman.

Susundin ko at pupuntahn kung saan ang tagayan.

Tutuparin ko ang usapan ng ambagan kahit walang pera, hahanap ng paraan.

Tatapusin ko ang inuman at di uuwi habang ang bote’y meron panglaman.

Sisikapin kong maging isang tunay na lasinggero sa baso, sa inuman at sa pulutan,

Wednesday, April 6, 2011

MESSAGE SENT!

its funny when u get what you wanted the time that you dont want it anymore.

Reminds me of the time na gustong gusto ko ng tamagochi nung bata pa ko. Mahal kasi kaya ayaw ako ibili ni mama, then all of a sudden after like 2 or 3 years, who would have thought na mabibili mo na sya sa tabi tabi for 150 pesos. Funny. Gustong gusto mo dati, tapos nung nakaget over ka na, tanggap mo na hindi ka na magkakaroon non, hindi na sya uso at ayaw mo na noon, yun yung oras na abot kamay mo na sya-MABIBILI SA BANGKETA.


one morning, pauwi ako sa apartment:

conversations:

N:Sarah..cnubukan ko several times na kausapin ka pero i seem not 2 have enough ball 2 do it. inexcusable ginawa ko na wala akong alibi..im a jerk n wala akong alibi..hope u'll forgive me..

una ko naisip, whoa san galing yun? una sa lahat, okay na kami. Naguusap, nagkwekwentuhan, nagtatawanan. Bakit all of sudden may ganun? Umiinom ba to? Lasing? Bakit out of the blue? Antagal ko inisip yun irereply ko dahil the least that I wanted is bumalik kami sa ilangan.

S:San galing yun? Bat out of nowhere? Ok na naman tayo diba?

N: ok naman. Nagppsorry kasi ako sa lahat lately..sa lahat ng shortcomings ko..alam ko walang kaabog abog..baka kasi mamatay na ko bukas okaya sa makalawa..gusto ko lang sabihin, pasensya na txt lang..na sorry..

Naisip ko, taena naman. Antagal ko hinintay yun. Na magsorry ka. Ipaliwanag ang lahat. Ano nangyari? Bakit ganon? Baket? Baket?

higit sa lahat....

BAKIT NGAYON LANG?

Funny.

Ngayon..


Ngayon na the sorry doesnt mean anything anymore. God knows napatawad na kita kahit wala yan. Ngayon na, any explanation wouldnt matter anymore. Sa totoo lang madami pa kong tanong, katulad ng....

....BAKIT?
...ANONG NANGYARI?

but i guess, kahit tapos na, hindi ko pa din kaya itanong. Kasi baka hindi ko magustuhan ang sagot. I guess pagdating sa mga ganyang bagay, hindi ako kasing tapang ng inaakala ko.

nag iisip ako ngayon, nang irereply ko:

A. OK lang yun, wag mo na isipin. Napatawad na naman kita e, noon pa.
B.  Tapos na yun, ok na
C.  Napatawad na kita noon pa, pero can i ask you something? ano ba talaga nangyari?
D. None of the above. DEDMA.

Sabi ni boss sa taas ng ulo ko, "Piliin mo ang letter A. Kaswal. Walang hassle pagkatapos.Hindi ka magmumukhang apektado sa mga nangyari noon at cool na cool pa din ang dating mo"

Sabi naman ng isa pang boss sa dibdib ko, "Piliin mo ang letter C. Para sa ikatatahimik mo, itanong mo na. Its now or never. Tanong lang naman e, para malaman mo na ang sagot at walang maiwang tanong dyan sa puso mo. Dapat handa ka sa anumang sagot na pwede nyang sabihin sayo. Gusto mo yun totoo diba?"

.....nag iisip pa din ako..

.............
...........
........
......
....
..
.

MESSAGE SENT.

Monday, April 4, 2011

Sari sari thoughts

ayokong ayoko yung mag isa.

Nakakalungkot diba?..walang makausap, walang makasama. Siguro na din kaya minsan, kahit hindi mga karapat dapat kasama sumasama ako, para may kasama ako. Ang gulo.hahaha



Pero dadating sa point na magsasawa ka na sa kasama mo. Kasi hindi naman pala masaya.


Bakit minsan kailangan mo magpanggap na masaya? Madaming gumagawa non noh? Minsan ako din. Bakit nga ba?

A. para di sila maawa sayo
B. para di sila mag alala sayo
C.kasi baka makumbinsi mo din ang sarili mo na masaya ka nga
D.all of the above



Minsan may mga oras na naiisip kong ayoko na sa trabaho ko. Minsan naman nagpapasalamat ako sa trabaho ko. Ang gulo, paiba iba. Katulad na lang ng first break pagkatapos magyosi sasabihin kong mag qquit na ko tapos second break, yosi ulit. Mahirap talagang manindigan sa isang bagay. Kaya may linyang "hindi kita mapanindigan" ahahha

Sa pagitan ng mga tawag at makukulit na customer, nag sesearch ako ng mga lugar na gusto kong puntahan. Mainly sa Ilo-Ilo dahil yun ang next destination namin sa June. Nagpapasalamat ako na may pagkakataon akong pumunta sa mga lugar na ganito, hindi katulad ng ibang tao na hindi maka alis at makapag relax. Gustong gusto ko talaga ng beach, ang sarap e.. Nag-iimagine ako ngayon: ang swivel chair ang beach chair na inuupuan ko, maaliwalas ang hangin, hindi aircon. Itong tang mangga ay fresh mango shake. Ang taas ng sikat ng araw. This is the laaaayyyppppp!



Pauwi nako pero hindi ako excited..kasi sa apartment ako uuwi at walang tao dun. Nakakalungkot pala, at take note: UNANG ARAW KO PA LANG TO! hahahah.. welcome to independent living, ito ang gusto mo sarah diba? Pwes PANINDIGAN MO! babay!

Friday, March 18, 2011

The Visayas Getaway: Cebu-Bohol

 The Plan: 5 days.Plane to Cebu-Ferry to Bohol- and ferry back to Cebu.Will it work?

we arrived in Cebu almost 3 or 4pm.We checked in @Sampaguita Suites . Their rates are affordable, we didnt look for hotels that has many ammenities since were just staying here for one night.

sample rates are as follows, but you can check their website http://www.sampaguitasuites.com

Matrimonial Standard (Good for 2 Persons) P898
Aircon Room with 1 queen-size bed, private bath with hot & cold shower, 21-inch cable TV, dresser & closet and PABX telephone and headed to The Walk to have dinner.

Barkada Room (Good for 4 Persons) P1,298
Aircon Room with 2 double-size beds, private bath with hot & cold shower, 21-inch cable TV, dresser & closet and PABX telephone

We were so hungry so after leaving our bags at the hotel, we headed to the Walk. near IT park  to have dinner.




dinner @the walk
Early morning, we took a cab to  Ocenajet, pier 1 Cebu port area, Cebu City. Cebu-Tagbilaran via SuperCat is P520.00 (one way) .They also offer discounts if you purchase the tickets in advance or in groups, for more info their website is http://www.supercat.com.ph/.



at the port
Cebu-Tagbilaran port is approx 1.5-2 hours via Supercat. 






When we arrived in Bohol, our contact was already waiting for us. The tour was arranged by one of my friends prior to the trip (sorry i dont have the details)....Let the tour begin=)




Bohol Chocolate Hills






butterfly sanctuary


Bohol's hanging bridge


Bohol tour wouldnt be complete with seeing a tarsier=)
We were supposed to have lunch at Loboc river but we changed our minds since it was raining a bit, the river looked muddy and water was green.So we decided to go directly to the resort.

We checked in at Panglao Tropical Villas. The resort was big, with a swimming pool, billiards, and a restaurant.We got their Villa Vidas which is in front of the pool for P7200 per night good for 6pax.
Occupancy - 6 Guests - each additional P475 per guest



the pool


living room
our villa



The resort's beach front


resort's restaurant
We ordered lunch since we dont have time to cook for lunch and were tired from the tour. Food from the resort ranges from P200-300 per meal which is quite pricey so we decided to go to the market and cook food for dinner and breakfast since the villa has its own kitchen.

We woke up early the next day to get ready for dolphin watching. Dolphin watching was for P2000/boat/max in 12 pax.


ready for dolphin watching





the dolphins!


After the dolphin watching, we decided to hang out at the pool a bit and after breakfast, we prepared to leave Bohol and to get back to Cebu.


Going Back to Cebu

We went back to the Tagbilaran port and rode a Supercat again back to Cebu P520, which is again 1.5-2hrs. Then from the Cebu port, we hired a van to bring us to the bus terminal, where we can ride a van or a bus going to Bantayan port.

We hired a van to Bantayan port for P1500. We were in a hurry because we need to catch the last trip to Bantayan Island at 5pm. Unfortunately, when we got there they dont have any trips anymore since it was raining hard and the waves were too big. Many people were stranded at the port and we just decided to look for a place to stay since we have to wait in the morning for the next trip to Bantayan.


early morning trip to Bantayan

with the crew-)

 We checked in at Beach Placid Resort, For reservations email beachplacid@gmail.com or contact@beachplacidresort.com, or txt 09177222993 or cal 032 438-5340



The resort serves food so we ordered lunch there and then decided to go to the market after. Dinner and breakfast the next will be cooked by my friend Robyn=)


lunch
chillin at the hammock
Unfortunately it has been raining for the past days and the wind in the beach was so strong. The resort is near the port and there's no mountain to cover the strong winds.



 After lunch, we went to another resort, the Sta Fe Beach Club (I wished we checked in there instead!) It was so nice there and the rates are affordable as well. They have a pool and the beach front is good since it is already located on the other side, it faces a mountain so the waters were calm there.


white sand @Sta Fe Beach Club
 Aside from the white sand and clear waters at the beach, another cool thing is that inside the resort, you can find the Ogtong Cave, where you can take a dip. The water was cold, sooo clear and very relaxing.



ogtong cave
enjoying the cave water



Around 6pm, we headed back to the resort because we still need to cook dinner. Robyn cooked adobo and chopsuey.Yum! We drank a bit, they serve beers at the resort and we also bought brandy at the market earlier.

Earlier the next day, we prepared to leave the island and to get back to Cebu city. The resort took us back to the port.



leaving Bantayan Island


shopping for pasalubong



Our Cebu-Bohol was fun but tiring. I wish we booked the flight back to Manila from Bohol instead because if that is the case, I bet we didnt have to spend a lot of time traveling from one place to the other. A better IT would be Manila-Cebu-Bantayan-Cebu-Bohol.



































Saturday, January 1, 2011

01.01.11. Serah'ng Badtrip

unang araw ng taon.

badtrip ako, malungkot, naiinis..
ano ba yan puro negative.Ibig bang sabihin negative din ang buong taon ko? wag naman sana.

********************************

bawal magpersonal nang sumapit ang 12:00am. May customer ako, naghahanap ng branch sa Masachusettes (tama ba ang spelling?) anyways, kahit na alam na alam ko nang wala naman talagang bangko sa lugar na yun sinabi ko na lang:

11:58pm
serah: ill just go ahead and check a map sir. Ill be placing you on hold while I check okay?
cust:   Sure!

ayos! pagdating ng 12, nagkagulo. May riot ang kalangitan ang daming fireworks. Para kaming mga presong nakatanaw sa bintana sa labas.Kawawa! Nagtatalon ako. Sabi ni tristan tatangkad daw ako ng 2inches. Sana nga.

pero nakaka-inis kung iisipin, ninakaw ng trabaho ko ang pagkakataong dapat eh kasama ko ang pamilya ko. BADTRIP.

***************************************

sabi ni S magkita daw kami pagkatapos ng log out ko, amp sa Sta Mesa. May sakit kasi kaya ako ang pupunta don. Tinext ko sya pagdating ng 5am pero nakatulog na ata. Kumain pagkatapos ng shift para sa aming post celebration sa new year ng Doterz.

Walang reply so malamang hindi na lang ako tutuloy. Bahala na sya.

****************************************

Pagkatapos kumain, umuwi na. Hindi makauwi kasi walang Taxi. Naghintay kami ng mga isat kalahating oras! Biruin mo, isa't kalahating oras! Amp! Kung hindi pa dumating si Mike at Rolet na hinatid kami sa Ayala, malamang naging dalawang oras pa o mahigit ang paghihintay.

BADTRIP.

****************************************

Nakauwi na nang magtext si S. sabi nya asan na ako at ngayon lang sya nagising. Sabi ko nasa bahay na at bukas na kami magkita. Pagod na pagod na ako, antok na antok na din. Nakatulog nang tatlong oras nang magtext sya ulit at gusto daw nya ko makita. Dumiretso na lang ako sa office pagkatapos. Amp!
Pero sa Sta mesa pa din kami magkikita. Napapansin kong lagi na lang ako ang pumupunta sa malayo para sa kanya, kung gusto nya ko makita bat kaya hindi sya ang pumunta sa akin?..Inaway ko nga.

serah: pagod na ko, antok na ko. Bukas na lang

S:       ocge, pahinga din ako, may sakit pa ko.

TANGHALI
S:       me pasok pala ako bukas ng 4pm.dapat pala ngayon na lang talaga

S:       ano na po?

Serah: Kung bago ng pasok ko dpt malapit lng tau sa ofis. Kala ko ba bukas pa pasok mo?

S:        Bukas nga, kaso maghahabol ako ng oras nun.

aba aba aba!.............

Serah: So ako na lang ang maghahabol ng oras ngayon kesa ikaw bukas ganon?

S:        Iba naman po kasi yun bukas

Serah: Tha'ts not my point! ang point ko kung magkikita tayo hindi palaging convenience mo lang. Last time sabi mo on call ka kaya ako pumunta dun kahit malayo. I also want to see you pero hindi mo ata naiisip kung mahahassle ba ako o hindi..

S:       Last na naman to. Hindi na mauulit. May sakit ako diba?

S:       Gusto ko lang makita ka.

Serah: Pag umalis ako dito ngayon hindi na ako makakatulog. Tatlong oras pa lang ang tulog ko.

S:        Ok cge cge. Kung mahirap sayo ok lang madami pa nxt time. Papagaling muna ako

nainis ako talaga. Puyat na nga ako at pagod pa, hindi nya naiisip yun. Sarili lang nya. Papapuntahin pa ko sa malayo eh may pasok ako ng 8pm edi basag na naman ako nyan pagpasok ko sa trabaho. Samantalang pag sya ang kailangan sa trabaho nya eh iniintindi ko yun kesyo na ako naman ang lumayo. Dapat give and take hindi laging pabor sa kanya. Hmpf!

BADTRIP.

********************************************
May Nagtext!

Ken: Tara na at tumambay friends.

Madel: Tama! hindi pwedeng idahilan ang walang pera dahil tayong lahat ay walang pera I mean hindi sapat magsabi ng wala new year pa naman baka malasin (except kay Ken at Sarah na mas marami pang pera kesa sa bangko) Kaya ano pang hinihintay nyo? Ituloy ang tradisyon;)

Tradisyon na namin ng highschool friends ko na magkita ng gabi ng dec 25 o gabi ng jan1 para sa barkada. Hindi kami natuloy nung pasko sa dami ng tao. Badtrip dahil may PASOK PA DIN AKO ng jan 1 kaya hindi ako makasama.

BADTRIP!

***************************************

Dahil hindi naman ako umalis, nakatulog pa ng mga ilang oras. Pagka gising antok pa din, diretso sa trabaho. Ang onti ng tao, ang lungkot, walang makausap. Hindi ko na nga naranasan ang new year's eve, andito pa din ako hanggang ngayon.

BADTRIP!

***************************************

naglalabas lang ng sama ng loob.bow.