Saturday, January 1, 2011

01.01.11. Serah'ng Badtrip

unang araw ng taon.

badtrip ako, malungkot, naiinis..
ano ba yan puro negative.Ibig bang sabihin negative din ang buong taon ko? wag naman sana.

********************************

bawal magpersonal nang sumapit ang 12:00am. May customer ako, naghahanap ng branch sa Masachusettes (tama ba ang spelling?) anyways, kahit na alam na alam ko nang wala naman talagang bangko sa lugar na yun sinabi ko na lang:

11:58pm
serah: ill just go ahead and check a map sir. Ill be placing you on hold while I check okay?
cust:   Sure!

ayos! pagdating ng 12, nagkagulo. May riot ang kalangitan ang daming fireworks. Para kaming mga presong nakatanaw sa bintana sa labas.Kawawa! Nagtatalon ako. Sabi ni tristan tatangkad daw ako ng 2inches. Sana nga.

pero nakaka-inis kung iisipin, ninakaw ng trabaho ko ang pagkakataong dapat eh kasama ko ang pamilya ko. BADTRIP.

***************************************

sabi ni S magkita daw kami pagkatapos ng log out ko, amp sa Sta Mesa. May sakit kasi kaya ako ang pupunta don. Tinext ko sya pagdating ng 5am pero nakatulog na ata. Kumain pagkatapos ng shift para sa aming post celebration sa new year ng Doterz.

Walang reply so malamang hindi na lang ako tutuloy. Bahala na sya.

****************************************

Pagkatapos kumain, umuwi na. Hindi makauwi kasi walang Taxi. Naghintay kami ng mga isat kalahating oras! Biruin mo, isa't kalahating oras! Amp! Kung hindi pa dumating si Mike at Rolet na hinatid kami sa Ayala, malamang naging dalawang oras pa o mahigit ang paghihintay.

BADTRIP.

****************************************

Nakauwi na nang magtext si S. sabi nya asan na ako at ngayon lang sya nagising. Sabi ko nasa bahay na at bukas na kami magkita. Pagod na pagod na ako, antok na antok na din. Nakatulog nang tatlong oras nang magtext sya ulit at gusto daw nya ko makita. Dumiretso na lang ako sa office pagkatapos. Amp!
Pero sa Sta mesa pa din kami magkikita. Napapansin kong lagi na lang ako ang pumupunta sa malayo para sa kanya, kung gusto nya ko makita bat kaya hindi sya ang pumunta sa akin?..Inaway ko nga.

serah: pagod na ko, antok na ko. Bukas na lang

S:       ocge, pahinga din ako, may sakit pa ko.

TANGHALI
S:       me pasok pala ako bukas ng 4pm.dapat pala ngayon na lang talaga

S:       ano na po?

Serah: Kung bago ng pasok ko dpt malapit lng tau sa ofis. Kala ko ba bukas pa pasok mo?

S:        Bukas nga, kaso maghahabol ako ng oras nun.

aba aba aba!.............

Serah: So ako na lang ang maghahabol ng oras ngayon kesa ikaw bukas ganon?

S:        Iba naman po kasi yun bukas

Serah: Tha'ts not my point! ang point ko kung magkikita tayo hindi palaging convenience mo lang. Last time sabi mo on call ka kaya ako pumunta dun kahit malayo. I also want to see you pero hindi mo ata naiisip kung mahahassle ba ako o hindi..

S:       Last na naman to. Hindi na mauulit. May sakit ako diba?

S:       Gusto ko lang makita ka.

Serah: Pag umalis ako dito ngayon hindi na ako makakatulog. Tatlong oras pa lang ang tulog ko.

S:        Ok cge cge. Kung mahirap sayo ok lang madami pa nxt time. Papagaling muna ako

nainis ako talaga. Puyat na nga ako at pagod pa, hindi nya naiisip yun. Sarili lang nya. Papapuntahin pa ko sa malayo eh may pasok ako ng 8pm edi basag na naman ako nyan pagpasok ko sa trabaho. Samantalang pag sya ang kailangan sa trabaho nya eh iniintindi ko yun kesyo na ako naman ang lumayo. Dapat give and take hindi laging pabor sa kanya. Hmpf!

BADTRIP.

********************************************
May Nagtext!

Ken: Tara na at tumambay friends.

Madel: Tama! hindi pwedeng idahilan ang walang pera dahil tayong lahat ay walang pera I mean hindi sapat magsabi ng wala new year pa naman baka malasin (except kay Ken at Sarah na mas marami pang pera kesa sa bangko) Kaya ano pang hinihintay nyo? Ituloy ang tradisyon;)

Tradisyon na namin ng highschool friends ko na magkita ng gabi ng dec 25 o gabi ng jan1 para sa barkada. Hindi kami natuloy nung pasko sa dami ng tao. Badtrip dahil may PASOK PA DIN AKO ng jan 1 kaya hindi ako makasama.

BADTRIP!

***************************************

Dahil hindi naman ako umalis, nakatulog pa ng mga ilang oras. Pagka gising antok pa din, diretso sa trabaho. Ang onti ng tao, ang lungkot, walang makausap. Hindi ko na nga naranasan ang new year's eve, andito pa din ako hanggang ngayon.

BADTRIP!

***************************************

naglalabas lang ng sama ng loob.bow.

No comments:

Post a Comment