Monday, April 4, 2011

Sari sari thoughts

ayokong ayoko yung mag isa.

Nakakalungkot diba?..walang makausap, walang makasama. Siguro na din kaya minsan, kahit hindi mga karapat dapat kasama sumasama ako, para may kasama ako. Ang gulo.hahaha



Pero dadating sa point na magsasawa ka na sa kasama mo. Kasi hindi naman pala masaya.


Bakit minsan kailangan mo magpanggap na masaya? Madaming gumagawa non noh? Minsan ako din. Bakit nga ba?

A. para di sila maawa sayo
B. para di sila mag alala sayo
C.kasi baka makumbinsi mo din ang sarili mo na masaya ka nga
D.all of the above



Minsan may mga oras na naiisip kong ayoko na sa trabaho ko. Minsan naman nagpapasalamat ako sa trabaho ko. Ang gulo, paiba iba. Katulad na lang ng first break pagkatapos magyosi sasabihin kong mag qquit na ko tapos second break, yosi ulit. Mahirap talagang manindigan sa isang bagay. Kaya may linyang "hindi kita mapanindigan" ahahha

Sa pagitan ng mga tawag at makukulit na customer, nag sesearch ako ng mga lugar na gusto kong puntahan. Mainly sa Ilo-Ilo dahil yun ang next destination namin sa June. Nagpapasalamat ako na may pagkakataon akong pumunta sa mga lugar na ganito, hindi katulad ng ibang tao na hindi maka alis at makapag relax. Gustong gusto ko talaga ng beach, ang sarap e.. Nag-iimagine ako ngayon: ang swivel chair ang beach chair na inuupuan ko, maaliwalas ang hangin, hindi aircon. Itong tang mangga ay fresh mango shake. Ang taas ng sikat ng araw. This is the laaaayyyppppp!



Pauwi nako pero hindi ako excited..kasi sa apartment ako uuwi at walang tao dun. Nakakalungkot pala, at take note: UNANG ARAW KO PA LANG TO! hahahah.. welcome to independent living, ito ang gusto mo sarah diba? Pwes PANINDIGAN MO! babay!

1 comment: